manong guard

Yan si manong guard, siya yung bestest among the rest sa lahat ng guards na nakilala ko. Hindi kasama sa contract nya ang mga sumusunod pero ginagawa nya pa rin
- Tinatawag nya ko by my first name, or ma’am
- nire remind nya ko mag time in & out sa biometric
- pini press nya yung down button para sa elevator
Hindi ko makakalimutan si manong guard.
Last month ko na sa work, pag may nakita ako na may nambully kay manong dahil trip nya lang, papababain ko ang self-esteem nya.
2 commentsD-day
nag submit ako ng resignation letter today. Sabi ko kay Mark pagka abot ko sa kanya ng letter, “parang suicide yan”
True. True. True.
Ano ba talaga ang nangyari?
Naisip ko lang handa na kong masugatan. Nasa position ako na pwede akong masaktan pero minimal lang ang impact sa mga taong nakapaligid sa’kin.
Yun ang advantage ko.
Nakakatakot ang status ng economy, pero wala… tumalon pa rin ako…
sabi nga eh, “when I’m afraid I muster my fear”
No commentsmay pinagmanahan
“MANANG MANA KA SA DADDY MO!”
Madalas na i-hirit sa’kin yan ng mommy kapag may nagawa ako na ikinainis o ikinagalit o ikinatawa nya dahil stupid yung ginawa ko. Pag naririnig ko na nag lilitanya na siya sa galit, pumapasok lang ang mga salita sa isang tenga ko at lalabas naman sa kabilang tenga. Namimili lang ako ng mga parteng dapat pakinggan, hindi ko dinidibdib. Nakakasugat ang mga salita, dapat i-moderate din ang intake.
Ang totoo nyan ang “pinili” kong “manahin” sa daddy ay ang mga sumusunod:
1. yung pagiging “sobrang” tahimik at pasensyoso nya. Nakakaubos ng lakas yung pagsasalita at pagsigaw, tapos hindi naman pala ako pinapakinggan ng mga sinisigawan ko. At nagiging overrated ang pag na ‘nag’, katagalan nakakairita lang pero nawawalan ng meaning ang mga salita, parang tunog ng static ng isang tv na malabo ang reception. Pero kapag pinag sasabihan ako ng daddy, nakikinig ako, tapos hihirit ako ng mga nakakatawa, para i-deviate ko ang attention nila (ng mga nakakrinig) sa good side ko. Magandang shield ang humor. Hindi ko na alam kung kanino ko namana yon, ehehe.
2. preference in music. Tama sa kanya ko nakuha yon, tapos nagkaron na lang ako ng sub-influences galing sa mga nakakatandang kapatid.
…siguro yun lang.
Noon nung bata pa ko, sa sobrang tahimik ng daddy, inisip ko kung ano ang nagustuhan ng mommy sa kanya…maliban sa kamukha nya si Alvin Patrimonio, base sa wedding picture nila ng mommy.
Isang beses naka-upo ako mag isa sa dining table, namomroblema ako sa school project namin noon, naka salumbaba ako at malayo ang tingin. Lumabas ang daddy sa pinto, nakita nya siguro na windang ako, kahit tahimik lang ako, tapos humirit sya,
daddy: “may problema ka?” *smiled*
ako: ah hehe wala
daddy: *walks away*
Maganda yung timing, perfect yung tanong. He rocks.
No commentscomputer at pag-ibig
ako: may makikita ka pang iba…
janet: hindi naman ako nag hahanap ng iba. Siya lang gusto ko.
Yan yung hirit sa’kin ni Janet dati nung nag break sila ng ex nya. Wala akong ma-i-hirit sa sagot nya, kasi tama.
Nag-ko-code ako ngayon, deadline nga sa trabaho eh, pero itinigil ko muna kasi gusto kong mag blog.
Ipo-post ko ulit yung isa sa mga favorite scenes ko sa High Fidelity. Sa mga hindi pa nakakanood ng movie na to, maari ko kayong bigyan ng copy, isulat lamang ang pangalan at tirahan sa tansan na may selyo, at ilagay sa loob ng pink envelope (dahil tungkol ito sa paking lab!) at ipadala sa suking tindahan.
Ito ang premise : Lahat tayo nasa gitna. May mas nakakataas sa’tin at mas mataas tayo sa iba.
Kung i-a-apply yan sa relationship, simple lang ang ibig sabihin, kung iku kumpara mo ang partner mo sa ibang babae/lalake na na a attract ka, laging may discrepancies. Imposibleng wala.
Laging magkakaron ng plus at negative points yung partner mo, at kung masyado kang magaling sa math at lagi mong i-a-apply yung formula, hindi ka ma sa satisfy, dahil hindi matatapos yan. Isipin mo na lang, ilang beses ka ba napapalibutan at nakakakilala ng mga tao?
Magaling akong tumingin ng mga lalakeng gwapo, kahit hindi naman talaga gwapo physically, at ilang beses na kong nakakakita at nakakakilala nyan.
Pero hindi, hindi ko ina apply yung formula. Hindi ako nag ko compute. Hindi ako tanga.
Hindi ako computer, pero isa akong love machine mwahahaha!
Sabi nga ni Paul Newman, sa Playboy Magazine, nang tinanong siya kung hindi ba sya na te tempt maghanap ng iba:
“I have steak at home, why go out for hamburger?”
TAMA! Mabuhay ka Paul Newman!
No commentsmetaphorical absence of noise
I would be on a blogging hiatus.
I suddenly felt that I have been wasting a considerable amount of my time and attention posting unnecesssary things.
gusto kong i-blog yung tungkol dito just so I can read about/remember this day (in the future)
maybe, I’ll get my “wind” back when I figure out the top 5 soundtracks/songs of my life.
question of faith - lighthouse family
it’s alive!
I finally installed XP (SP3?) on my PC. Hallelujah!
No commentsain’t that bad
- after several attempts of installing windows xp on my pc, George (my pc) is still unusable - MINUS
- snitched a branded DVD-RW from my kuya’s room last night - PLUS
- came in late to work AGAIN - MINUS
- chamie and I resolved an issue yesterday - PLUS
- there was a power interruption in our area last night, I didn’t sleep properly - MINUS
- i am starting to realize why trainspotting is a kick-ass novel - PLUS
- minor setbacks exist - MINUS
- k0n offered to fix my PC this weekend - PLUS
- had a good conversation with my officemates during lunch - PLUS
bad day
Last week, nag dl ako ng e-book and movie ng “the secret”, yun yung ‘phenomenal self-help book’ ngayon about positive thinking. Hindi ko tinapos yung e-book kahit yung movie. Uhhh tinamad ako at na grasp ko na naman ata yung concept, so pwede na yon…
Ngayon, medyo hindi maganda ang umpisa ng araw ko, at ito yung araw na hindi gagana yung “concept ng secret”, bakit hindi?
Kasi ayaw ko.
Parang inaasar/binubwisit ako para i-test kung tuluyang iinit ang ulo ko; tipong iisipin ko na big deal yon kaya walang taong dapat mambwisit sa’ken dahil malilintikan sya, o kaya naman yung classic style na pagpasa ng init ng ulo sa ibang tao.
Aware na ko sa mga ganyang circumstances at na-observe ko na yan sa mga ibang tao.
Nakaka-turn off. Nakaka-sakit ng damdamin. Nakaka-init ng ulo.
Sensitive ako eh, sumasagot ako pabalik.
Pero ang bottom line, wala sa plano ko magpa-daig.
*two steps to the right, and left*
No comments