Free willBTW | Koree Monteloyola - Web developer from the Philippines

header image for BTW

Free will

by Koree Monteloyola

September 23, 2009 22:05
 

Palace : Time to part ways (Inquirer.net)

Nabasa ko 'tong article kaninang umaga, natawa na lang ako eh, alam mo yun eto yung isa sa mga pagkakataon na mararamdaman mo na ang sarap magmura.

Talaga bang unti-unting nagiging bobo ang mga tao sa Pilipinas?

Sa article na yan mababasa yung iba't ibang opinions ng mga ilang politicians tungkol don sa pagbigay ng support ni Foreign Secretary Alberto Romulo kay Noynoy Aquino. Bale ang issue daw ng Palasyo jan eh dapat mag resign si Romulo kung hindi nya pala susuportahan yung manok ng kasalukuyang administrasyon na si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ang siste kasi jan, para silang may "brotherhood", pero babae ang leader (hehe), tapos kung ano ang utos at gusto ng leader yun ang dapat gawin o masunod - substandard man o hindi. Para bang may sinusunod silang "code".

Pag sinabing "Palace", "Malacanang", "Palasyo"...ang naiisip ko jan yun ang highest office sa bansa, therefore, ini-expect ko na matino mag-isip ang mga taong nasa loob nyan - lalo na yung mga nagpapatakbo.

Pero sa article, kitang-kita ang "machination" ng pulitika.

Kailan ba naging kasalanan ang pag state ng preference?

Matter of national interest/security ba kung yung mga cabinet members eh mamili ng ibang kandidato?

Nahahalata tuloy na takot na takot ang "Palasyo". Masyado kayong sensitive. Maliit na bagay lang yan, ginagawan nyo pa ng issue.

Ang praning.

Pero ang totoo nyan, habang nag-aaksaya kayo ng oras jan - kung paano gawing mali ang tama o tama ang mali (yung ginawa ni Romulo) - maraming Pilipino ang nagugutom.

Magpasikat na lang kayo, para makuha nyo ang boto ko.

Category: Government and Politics, Philippines
blog comments powered by Disqus
 
 

Powered by FeedBurner

Add to Google Reader or Homepage  Add to My AOL    Add to netvibes  Subscribe in NewsGator Online