Francis Magalona

Mas katanggap tanggap siguro kung si Francis Magalona na lang yung isa sa mga napiling maging national artists ngayong taon.
Hindi madaling i-promote ang pagiging makabayan sa showbiz, lalo na ang talakayin ang mga baho ng gobyerno at sakit sa lipunan ng Pilipinas.
Kitang kita naman kung gaano tangkilikin ni Francis M ang bansa natin, sa larawan sa itaas, dalawang tattoos ang makikita ng pagiging makabayan niya: isa sa likod - 3 stars and a sun (katulad ng sa bandila ng Pilipinas), at pangalawa sa nakataas na kaliwang pulso nya isang letra sa alibata (o baybayin) - NATURAL hindi ito isa sa mga kwalipikasyon para maging isang national artist, pero sa tingin ko kapag nakita ko ang hubad na upper body ni Carlo J. Caparas eh hindi ako makakakita ng kahit ano man sa pagiging makabayan.
Hindi ba? Maging open-minded ka at i-consider mo ang totoong ibig kong sabihin.
Naisip nyo ba na dahil sa kalidad ng mga napiling national artists ngayon, para na rin nilang sinabi na kahit sino eh pwedeng manalo? ...kahit ako! hehehe tutal lang naman din eh nagkakalokohan NA NAMAN.
Hindi ko gusto ang administrasyon na 'to - WALANG ART.



