Potential o wasakan?BTW | Koree Monteloyola - Web developer from the Philippines

header image for BTW

Potential o wasakan?

by Koree Monteloyola

July 22, 2009 23:42
 

Kina-susuklaman ko ang mga kabataan ngayon sa kalye namin na walang alam gawin kundi ang ibalandra ang mga sarili nila sa kalye para tumambay.

Yung mga lalake, kung hindi naka topless na nagpapakita ng mga payat nilang katawan eh, maluluwang na t-shirt or jersey ang sinusuot, at kapag trip nila, mag susuot pa sila ng cap na nakatabingi, sabay lakad "with the attitude"...parang, "'sup dawg?! Isa akong wasak na tambay."

Yung mga babae naman, naka short shorts o mini skirt tapos naka tank top, kita ang strap ng bra, namumuti ang mukha at leeg dahil sa pulbos, at humahalimuyak ang amoy dahil sa Johnson's baby cologne. Hindi ko alam kung talaga bang ganon ang laki ng mga dibdib nila, o dahil lang sa push up bra na mas malaki sa totoong size nila? Naglalakad din sila "with the attitude"...parang, "Boyet, isa akong babaeng patapon, buntisin mo ko para pareho tayong hindi makatapos ng pag-aaral".

Aware ako sa mga reasons kung bakit mas gusto nila tumambay kesa pumirme sa bahay, dalawa lang yan eh kahirapan sa pera at kahirapan ng kalooban.

Ewan...may issue rin naman ako nung bata ako, pero alam ko na hindi makakatulong yung pagtambay ko sa labas ng bahay namin.

Nakakahinayang lang yung potential ng mga taong 'to.

 

Category: Uncategorized
blog comments powered by Disqus
 
 

Powered by FeedBurner

Add to Google Reader or Homepage  Add to My AOL    Add to netvibes  Subscribe in NewsGator Online