BTW | Koree Monteloyola - Web developer from the Philippines

header image for BTW

funny commercials

by Koree Monteloyola

July 4, 2009 02:31
 
Category: Humor, Videos

sarilinin mo na lang yan

by Koree Monteloyola

July 3, 2009 12:52
 

Kung meron man akong reklamo sa facebook yun eh yung mga taong nag po post ng status nila against sa status or activity updates ng ibang tao sa facebook.

Aminin na kasi natin, sinu support ng system ng social networks ang mga kulang sa pansin, magpapansin, magmagaling at kung anu ano pang types ng attention whores.

Inevitable yan. Sa tagalog, hindi maiiwasan.

Meron nga akong isang contact don na parang tanga yung mga pino post na mga pics ng mukha nya, pero hindi ko na pinapansin kahit nakaka irita na talaga minsan. Ako naman ang may issue don eh, di ba?

Mas maganda jan kesa magparinig, ang mga pwede mong gawin ay ang mga sumusunod:

1. tanggalin ang contact sa list mo
2. Huwag kang mag facebook para hindi ka mairita

Ang analogy kasi, ng pag register at login sa facebook at pag post ng reklamo sa content ng built in features ng website, ay yung pag dive sa swimming pool sabay pagreklamo na nabasa ka.

Kung akala nyo na hindi ugaling kanto yung pag kutya ng ibang tao, mag isip ka ulit.

Yung mga ganong tao eh parang sobrang taas ng tingin sa sarili na parang hindi na makatungo dahil parang may tae sila sa ilalim ng ilong na ayaw nilang maamoy.

Category: Uncategorized

Hindi ako manunulat

by Koree Monteloyola

June 27, 2009 02:42
 

Hindi ako professional writer...pero madalas mag-tae ang utak ko.

Limang taon ko nang pangarap ang gumawa at magkaron ng sariling website - at ito na nga yon.

Kapag nakasalubong mo ako sa daan or nakita mo kong online, i-greet at i-congratulate mo ko, dahil una mahirap na nga ang maging programmer at mas mahirap ang maghanap ng oras para gawin ang gusto mo.

Hindi nga pala kagandahan ang design nito kumpara sa mga websites na ginawa ko na may bayad, pero may mga functions 'to na wala yung iba.

Sa content, hmm wala akong planadong konsepto para sa mga isusulat ko sa section na 'to, sabi nga ni Neil, hobby lang naman at pangarap kong maging internet rockstar. For fun. Magandang excuse yan eh hehe

Anything goes na lang ang tema siguro para sa section na 'to.

Onga pala, Hi fans, of all ages!

Category: Uncategorized
1 2 3 4 5
 
 

Powered by FeedBurner

Add to Google Reader or Homepage  Add to My AOL    Add to netvibes  Subscribe in NewsGator Online