Long live the king
First time kong napanood yung tribute, days or a week after mamatay ni Michael Jackson.
Nasa grieving stage pa ko ng mga panahon na yon at madalas akong makinig sa mga songs ni MJ, sabi kasi ni Francis Magalona, "...my voice will be heard. Always. At a touch of a button or switch, I am 'alive' again"
Overwhelming yung tribute, hindi ko sinasadya na nakapag react ako sa moves ng MJ impersonator, sabi ko sa sarili ko - nang may halong pagmamagaling, "hindi naman ganyan mag sayaw si Michael Jackson."
Tapos nag sink in sa'kin na hindi ko na ulit mapapanood si MJ na mag moonwalk ng live.
Kahit pa sabihin na unti unting nag decline ang career nya, napapahinto pa rin ni MJ ang pag-ikot ng mundo ng mga tao everytime na nag pe perform sya.
Sa umpisa, parang ayaw ko tanggapin na hindi ko siya makikitang tumanda, o baka naman sa sobrang "talented" at "yaman" nya hindi talaga sya mamamatay - Maybe he can pull it off.
Siguro maiisip ng mga makakabasa nito na parang sobrang impossible naman ng naisip ko, at ano ba ang tinitira or hinihithit ko?
Ang sagot: playlist ng timeless music ni Michael Jackson, lalo na yung "off the wall".
Ninoy and Cory Aquino


Sir Ninoy and Ma'am Cory Aquino, marami pong salamat.
Isang karangalan ang maging Pilipino dahil sa mga taong katulad niyo.
Potential o wasakan?
Kina-susuklaman ko ang mga kabataan ngayon sa kalye namin na walang alam gawin kundi ang ibalandra ang mga sarili nila sa kalye para tumambay.
Yung mga lalake, kung hindi naka topless na nagpapakita ng mga payat nilang katawan eh, maluluwang na t-shirt or jersey ang sinusuot, at kapag trip nila, mag susuot pa sila ng cap na nakatabingi, sabay lakad "with the attitude"...parang, "'sup dawg?! Isa akong wasak na tambay."
Yung mga babae naman, naka short shorts o mini skirt tapos naka tank top, kita ang strap ng bra, namumuti ang mukha at leeg dahil sa pulbos, at humahalimuyak ang amoy dahil sa Johnson's baby cologne. Hindi ko alam kung talaga bang ganon ang laki ng mga dibdib nila, o dahil lang sa push up bra na mas malaki sa totoong size nila? Naglalakad din sila "with the attitude"...parang, "Boyet, isa akong babaeng patapon, buntisin mo ko para pareho tayong hindi makatapos ng pag-aaral".
Aware ako sa mga reasons kung bakit mas gusto nila tumambay kesa pumirme sa bahay, dalawa lang yan eh kahirapan sa pera at kahirapan ng kalooban.
Ewan...may issue rin naman ako nung bata ako, pero alam ko na hindi makakatulong yung pagtambay ko sa labas ng bahay namin.
Nakakahinayang lang yung potential ng mga taong 'to.
Stop spending time, wasting time
Facebook, Multiply, Twitter, MySpace, Friendster - ilan lang yan sa mga social networks or websites na nag totolerate ng narcissism ng mga members nila, at isa ako sa mga taong yon.
Kailan lang, napapansin ko na marami sa oras ko ang nawawala dahil sa pag login ko sa mga sites na yan, ayos lang sana yon kung wala akong mas maganda o importanteng bagay na dapat gawin - pero meron.
Ito nga mismong pag sulat ng post na 'to eh pwede kong i-consider na waste of time, pero ito ang purpose ng website ko. Sa totoo lang gusto kong i-shift ang traffic na nakukuha ng space ko sa mga social networks na yun papunta dito.
Marami akong excuses na pwedeng ibigay kung bakit, hindi ko pa naayos ang ibang parts ng site na 'to...siguro dahil busy ako sa pag-post ng updates tungkol sa activities ko sa Twitter at Facebook hehehe.
Pero naisip ko, ang mas nakaka-awa eh yung mga taong na-a-addict sa social networks na wala namang sariling computer and internet connection, kaya kailangan pa nilang mag rent ng PC, at pag login nila sa facebook makikita nila na wala silang friend requests - worse - walang nag reply sa update or status nila.
Read-only mode na naman 'no?
Tandaan, kahit anong sobra ay masama, lalo na ang attention whoring.
Alay Lakad sa SM Annex North EDSA
Kung napadpad na kayo sa SM Annex North Edsa napansin nyo ba yung staircase and escalator columns don? Kung hindi, eto yung mga napansin ko:
Ito yung front/side view sa escalator:
eto naman yung view sa right side:
eto naman yung view sa left side:
at ito naman yung sa semi-spiral staircase column:
Kung papansinin, halimbawa kung trip mo libutin yung mall at 1 lang ang direction mo sabihin natin "pataas", malayo ang lalakarin bago ka makarating sa next escalator. Round trip yan, parang designed talaga para madaanan yung mga stores bago ka makarating sa next floor. Samantalang yung stairs, mga 10 lakad lang andon ka na sa next staircase for the next floor.
Weekend na, kung lalake ka, alam kong walang maitutulong ang impormasyon na 'to sa pag-sama mo sa girlfriend mo sa pag-libot ng mall, para makabawas man lang ng "hirap".
Tiisin mo yan, nag girlfriend ka eh.







